Monthly Picks | Agosto 2025
Sining Shelter
PICK NI STELLA
Speed Milk
ALBUM | O.I. Research Partners
Ang tagal ko na silang sinusbukang panuorin kaya ang swerte ko na naabutan ko na rin sila nung This Mow’s Be The Place. Nadala ako ng pagtanghal nila patungo sa mundo ng mga baka at bakero na nakatuon lamang sa yaman at pag angat ng sarili. Piksyunal na konsepto yun ng album nila pero parang sobrang makatotohanan lalo na sa lagay ng mga bagay ngayon. Habang tumutugtog sila, ang iniisip ko lang ay “ganito pala pakiramdam ng kabayong hinahabol ng mga alien sa disyerto…” Dama ko yung puot at pagsulong sa kawalan ng katiyakan.
PICK NI AJ
It's A Beautiful Place
ALBUM | Water From Your Eyes
MAINGAY! MAUGONG! MAGULO!
isang panibagong album mula sa isang bandang kinamamangha ko mula noon pa. yung pagsusulat ng liriko rito ay may dalang pag-asa sa kalagitnaan ng kawalan ng optimismo at pangamba na nakabalot sa mala-sapak na tunog ng tambol, maingay na gitara, at makukulay na electronikong tunog. nag-tutunog watak-watak at magulo, ngunit nagagawa pa rin nilang pagsama-samahain at pagdikitin nang maayos yung konsepto ng album. sobrang lupit!
MGA PICK NI FRANCIS
january 28th freestyle
SINGLE | Nazty Kidd
Palagi akong nagmamaneho kamakailan, kaya naghahanap ako ng kantang masarap pakinggan habang nasa daan. May nahanap ako sa YouTube na parang muling gumising sa pagiging hustler ko kahit di naman ako ganon haha. Lakas ng dating ng linyang “Kausap ko yung salamin, sabi niya you the man” — sobrang nakaka-angat ng loob. Ganda rin ng mensaheng “Inaabot ang gusto habang paa ay nasa lupa,” saka “Minsan kailangan ng pusong mapapakinggan.”
Please Say It
SINGLE | Aunt Robert
Isa pa sa palagi kong pinapatugtog habang nagmamaneho—ang ganda ng mga desisyong tunog na pinili ni Aunt Robert dito. Yung klasik na takbo ng chords, vocal melody, bilog na tunog ng bass, pagsabay ng mga dampi at "piso plucks" sa gitara, pati ang tunog ng drums—sakto lahat ng timpla para sa panlasa ko. Nakaka-inspire.
Hare Krishna Haribol
ALBUM | Pabs Dadivas
Sobrang underrated nitong album na to. Released in 1978. Ramdam mo yung Beatles and George Harrison influence, dahil sa hindu / buddhist sound themes of the LP.
Alam naman natin lahat yung ''Kung Sakali'', at dahil sobrang banger nung kantang yon, na o-overshadow yung ibang kanta sa album. Pero malupit din yung iba.
Ganda para sa akin nung ‘’Ikaw Lang Ang Iibigin Ko’’ tsaka yung ender track na ‘’Diyos Lang Ang Pag-Asa’’. Pabs Dadivas, solid yan.
PICK NI GABY
Such a Funny Way
SINGLE | Sabrina Carpenter
Lupet neto… Dahil sa mga taos-pusong emosyon na ipinapahayag niya sa kanta na’to, mas pinalaki tuloy ang amor ko para kay Mam Sabrina. Tila galing kina ABBA ang kanyang mga beat switch. Sayang lang na wala ‘to sa streaming (corny na vinyl exclusive lang siya - sa Twitter ko pa siya napakinggan!!)